![]() |
Sa pagsibol ng araw sa gitna ng katahimikan at kadiliman ay nagdadala ito ng liwanag, liwanag na nagpapakita ng kagandahan ng kapaligiran, kapaligirang inaakala nating walang buhay at puro pasakit lamang ang naibibigay. Huwag nating kalimutan na pagkatapos ng gabi ay andiyan ang araw na hatid ay bagong pag-asa at nagpapaalala na may kagandahan pang natitira at kahit kailanma'y hindi naman ito nawala at sadyang sila'y natubanan at binalot lamang ng kadiliman na dala ng unos. Kung sa tingin mo ay tapos na ang laban, para saan pa ang iyong nasimulan? Hahayaan mo nalang bang maibaon ito kasabay ng paglubog ng araw?
Pagmasadan mo ang pagsibol ng haring araw sa madaling araw, paniguradong ibang kasiyahan ang iyong mararamdaman at masasabing " Salamat panginoon sa bagong pag-asang ibinigay mo at ako'y handang magbago"
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento