Pages

Sabado, Nobyembre 14, 2015

Magising sa Katotohanan



Gusto mo siyang makalimutan?
Ang tanong hanggang Kailan?
Kung sa puso't isip mo ay siya lamang
Ang bukod tangi nitong laman

Kailan ka magigising sa katotohanan
Na hindi  niya kayang suklian
Ang pagmamahal na iyong inilaan
Sapagkat ang puso nya'y mayroon ng nakalaan

Masakit isipin di ba
Na siya ay may gustong iba
At inaakala mong kayo na ang magsasama
Dahil sa iyong nadarama at ipinapakita niya

Hindi naman mali ang umasa
Mas mali ang pagiging tanga
Kahit alam mong ikaw ay dapat ng bumitaw
Hindi mo magawa dahil pagmamahal mo'y umaapaw

Iyak ka ng Iyak at Sigaw ka ng sigaw
Daig mo pa ang boses ng kalabaw
Para saan pa ang iyong mga luha
Kung ayaw mong bumangon mula sa pagkadapa

Hoy gumising ka
Huwag kang magpakatanga
Siya'y nakahanap na ng iba
At ikaw ay hindi pa

Malay mo mula sa iyong pagkadapa
Ikaw ay makahanap ng kalinga
Ng isang taong andiyan lang pala
At naghihintay na iyong makita

Kaya't mula sa araw na ito
Simula ng ito'y mabasa mo
Tumayo ka at sabihin mong
Kaya ko to! Kaya ko to!

Ipakita mo sa kanya
Kung sinong pinakawalan niya
Matuto kang bumangon
Mula sa pagkabaon

Ang gagawin mo ay hindi paghihiganti
Ito'y ginagawa mo para sa iyong sarili
Kalimutan mo siya, ngunit hindi ang inyong ala ala
Dahil aminin mong minsan ikaw ay naging masaya



Huwebes, Nobyembre 12, 2015

BAGONG SIBOL NA PAG-ASA

                                                                                      

             Isang Bagong Blog na naman. Isang bagong talaan na naglalaman ng saya, tuwa, lungkot, pighati, kasawian, tagumpay at isang bagong sibol na buhay.

              Sa pagsibol ng araw sa gitna ng katahimikan at kadiliman ay nagdadala ito ng liwanag, liwanag na nagpapakita ng kagandahan ng kapaligiran, kapaligirang inaakala nating walang buhay  at puro pasakit lamang ang naibibigay. Huwag nating kalimutan na pagkatapos ng gabi ay andiyan ang araw na hatid ay bagong pag-asa at nagpapaalala na may kagandahan pang natitira at kahit kailanma'y hindi naman ito nawala at sadyang sila'y natubanan at binalot lamang ng kadiliman na dala ng unos. Kung sa tingin mo ay tapos na ang laban, para saan pa ang iyong nasimulan? Hahayaan  mo nalang bang maibaon ito kasabay ng paglubog ng araw?
   
          Pagmasadan mo ang pagsibol ng haring araw sa madaling araw, paniguradong ibang kasiyahan ang iyong mararamdaman at masasabing " Salamat panginoon sa bagong pag-asang ibinigay mo at ako'y handang magbago"